HOME

Thursday, February 27, 2020

Walang pwedeng magmalinis. Lahat tayo ay may sala.


Walang sinuman ang maaaring magmalinis sa harap ng Diyos, sapagkat tayong lahat ay may kasalanang taglay. 

Kasalanan ang paggawa ng masama, ngunit kasalanan din ang hindi paggawa ng kabutihan. Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos upang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Tinatawag din Niya tayo upang magbalik-loob sa Kanya. Ito ang nais ng puso ng Diyos para sa tao. Tao na lubusan Niyang minamahal. 

Ang isagawa ang mga naisin ng Diyos ang siyang magdadala sa atin sa tunay na kapayapaan ng buhay at sa buhay na walang hanggan sa langit. 

No comments:

Post a Comment