HOME

Thursday, December 7, 2017

Tayo naman ang taya! - Isang Pagninilay para sa Kapistahan ng Immaculate Conception

Tayo naman ang taya! - Isang Pagninilay para sa Kapistahan ng Immaculate Conception
 
Nagsimula na ang mga posts sa social media patungkol sa Immaculate Conception ni Mama Mary, at karamihan sa mga ito ay mga mensahe ng pasasalamat, pagmamahal at pagsusumamo. Ramdam-ramdam sa mga mensahe ang matinding pagmamahal ng mga Katoliko sa Ina ng ating Panginoon. Hindi naman kataka-taka yan sapagkat matindi rin naman ang pagmamahal sa atin ng Mahal na Ina. Kaya nga, maraming milagro at "answered prayers" ang patuloy nating nasasaksihan sa kanyang walang sawang pamamagitan. 
Ngayong Immaculate Conception Day, naisip ko lang, hindi ba dapat tayo naman ang taya? 
 
We kept asking Mama Mary to pray for us and help us, pero naisip na ba nating ipanalangin at tulungan din ang mga tao sa paligid natin na may hirap na pinagdaraanan? 
We kept asking Mama Mary to lead us closer to Jesus her Son, pero ang tanong, tayo ba mismo ay nakapag-lead na ng ibang tao patungo kay Hesus? Nagiging totoo pa ba tayo sa ating "calling" bilang mga binyagang Kristyano na ipalaganap at ihatid ang Ebanghelyo sa mga dukha? 
 
We kept asking Mama Mary to cover us with her mantle so may be protected against the evil one, pero tayo kaya, ano na ang nagawa natin para protektahan ang mga maliliit nating Kapatid? Nakakalungkot ang mga balitang lumalabas sa mga pahayagan at TV, dahil kabaligtaran ang nangyayari sa ating lipunan; more and more people are becoming protectors of the evil one. 
 
At pang-huli, si Mama Mary, without hesitation, said: "YES TO LIFE," at nang dahil sa kanyang matapang yet mapagkumbabang pagsunod na ito sa kalooban ng Ama, isinilang para sa atin ang Tagapagligtas, ang Tagapag-bigay buhay. Tayo kaya, mga Kapatid, sa panahong laganap na ang mga anti-life na mga ideya, may tapang kaya tayo upang tindigan at ipaglaban ang buhay-tao? Sabi nga ni Pope Francis: "Go against the tide, and that means making noise. Go ahead. But with the values ​​of beauty, goodness and truth.”
 
Tayo naman ang taya, at katulad ng Mahal na Ina, tayo naman ang kumilos at maging biyaya para sa iba.
 
Tota Pulchra es, Mariae!

No comments:

Post a Comment