HOME

Sunday, March 12, 2023

Panalangin ng paghilom sa tulong ni San Roque


Mahal na naming San Roque, pintakasi ng mga may karamdaman, ipinakikiusap po namin sa’yo na kami ay ipanalangin sa Panginoong  nating Diyos. Makasumpong nawa kami ng kagalingan mula sa Diyos sa tulong ng iyong mabisang pananalangin. Makaranas nawa kami ng ginhawa at lubos na kaligayahan na Diyos lamang ang makapagbibigay. 

Mahal na San Roque, idulog din po sana ninyo sa Diyos ang espiritwal na kagalingan para sa aming mga makasalanan. Kahabagan nawa kami ng Diyos na iyong nilugod noong ikaw at nandito pa sa lupa. Amen.