HOME

Thursday, April 30, 2020

Lord, please bless us this new month of May and always!


Lord, please bless us this new month of May and always! We invoke Your powerful Name, Lord Jesus, to deliver us from all harm, from all sickness and from all evil. Please heal our country and the whole world. You alone, O Lord, is our refuge and our strength. Save us, O Savior of the world! 

Saturday, April 11, 2020

May Pag-asa sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon!


Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon ang pagpapatunay na ang ating pananampalataya ay may kabuluhan at may saysay. 

Buhay ang Panginoon! Buhay ang ating pag-asa na tayo ay babangon muli sa kinasasadlakan nating dusa at pighati. 

Buhay ang Panginoon! Buhay ang ating pananalig na maghihilom din ang lahat.

Buhay ang Panginoon! Buhay ang ating pagmamahalan sa gitna ng mga krisis at sakuna. 

Buhay ang Panginoon! Buhay tayong magiging saksi kung paano lilikhaing muli ng Diyos ang lahat.  

Saturday, April 4, 2020

Sa gitna ng ECQ, mga pinoy naging malikhain sa pagdiriwang ng Palm Sunday



Tunay nga na walang makakahadlang sa pananampalataya ng mga Pilipino. Sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na dulot ng COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang naging malikhain sa pagdiriwang ng Palm Sunday. Sa pastoral na liham ng ilang mga Obispo dito sa Pilipinas, hinikayat nila ang mga mananampalataya na makilahok sa mga pagdiriwang ngayong mga Mahal na Araw sa pamamagitan ng "TV" at "Online" Mass. Kabilang na nga dito ang pagbabasbas ng mga Palaspas o ng kahit na anong sanga na may dahon na makikita sa ating mga tahanan at bakuran. 

Narito ang ilang mga malikhaing ideya ng mga netizens: 








HOLY WEEK: People look at the outward appearance, but the LORD looks at the heart." --1 Samuel 16:7


Most of the time, we, Christians, are living a double life.  We appear very good on the outside, especially in front of many people, yet our hearts are full of hatred, malice and bad intentions.  Jesus, in many occasions, chastised the hypocrisy of the scribes and pharisees for not doing what they preach.  It is their hearts' content which Jesus abhor.  On the contrary, God is well pleased with the humble of heart.  When a woman in Bethany anointed Jesus' feet with a fragrant oil, the Lord did not care about the cost of the oil, neither He cared about the scandalous act of the woman. What Jesus saw and cared about was the HUMILITY of her heart. 

"The LORD does not look at the things people look at. People look at the outward appearance, but the LORD looks at the heart." --1 Samuel 16:7

PRAYER: Lord JESUS CHRIST, you are ever powerful, yet you find pleasure in humbleness. Grant us the grace to be always humble. Cleanse our hearts from all ungodly emotions, and allow us to live a holy life. Amen. 

Friday, April 3, 2020

PALM SUNDAY: Let us be martyrs for JESUS!


The jubilant crowd who welcomed Jesus with Palms and Hosanna's upon His entry to Jerusalem are the exact same people, according to the Gospel, who would later demand the Lord's death on the cross.


"CRUCIFY HIM," they furiously shouted.

This, sadly reflects the kind of Christianity that we have. We claim to be believers of Jesus, yet we continue to ignore the plight of the poor; we continue to gossip against our neighbors; we continue to play dead with the injustices in our society; and we continue to compromise the Gospel truths to the lies of this world. In short, we continue to sin. And the sad part is, we never repent. 

Saint Paul, in his letter to the Hebrews (6:6), tells us that if we continue in our sinful ways, we "are RE-CRUCIFYING THE SON OF GOD for (ourselves) and holding Him up to contempt."

Today, as we hold up our palms and commemorate the triumphant entry of the Lord to Jerusalem to fulfill His sacrificial act on the cross, may we never forget the TRUE symbol the palms: MARTYRDOM.

Let us all be martyrs for Jesus, and it all begins if we turn away from sins.

Hosanna to the Son of David! Hosanna, Glory in the Highest!

Thursday, April 2, 2020

Walang ina ang gustong makita na nasasaktan ang anak #ViernesDeDolores


Sa pagpapakasakit ng Panginoon para sa kaligtasan ng tao, may isang ina ang tumangis, may isang ina ang nasaktan, at may isang ina na nanatiling matatag sa kabila ng lahat... si Maria. Nakita niya kung paano kutyain ng tao ang Anak niyang wala namang kasalanan. Nakita niya kung paano paulit-ulit na hinampas ang katawan ng kanyang Anak na mula pagka-bata'y inaruga na niya. Nasaksihan niya ang maka-ilang ulit na pagbagsak ng Anak sa ilalim ng mabigat na Krus. Nasaksihan niya kung paano nalagutan ng hininga ang kanyang Anak na binigyang-buhay niya sa kanyang sinapupunan. At ang pinakamasakit sa lahat, wala siyang nagawa bilang ina sa lahat ng ito. 

Masakit para sa isang ina ang makita na nasasaktan ang anak. Walang ina ang naghangad ng masama para sa anak. Ang pag-ibig ng isang ina para sa kanyang mga anak ay isang pagsasalarawan ng pag-ibig ng Diyos para sa tao: walang hinihinging kondisyon at walang hinihinging kapalit.