Sa pagpapakasakit ng Panginoon para sa kaligtasan ng tao, may isang ina ang tumangis, may isang ina ang nasaktan, at may isang ina na nanatiling matatag sa kabila ng lahat... si Maria. Nakita niya kung paano kutyain ng tao ang Anak niyang wala namang kasalanan. Nakita niya kung paano paulit-ulit na hinampas ang katawan ng kanyang Anak na mula pagka-bata'y inaruga na niya. Nasaksihan niya ang maka-ilang ulit na pagbagsak ng Anak sa ilalim ng mabigat na Krus. Nasaksihan niya kung paano nalagutan ng hininga ang kanyang Anak na binigyang-buhay niya sa kanyang sinapupunan. At ang pinakamasakit sa lahat, wala siyang nagawa bilang ina sa lahat ng ito.
Masakit para sa isang ina ang makita na nasasaktan ang anak. Walang ina ang naghangad ng masama para sa anak. Ang pag-ibig ng isang ina para sa kanyang mga anak ay isang pagsasalarawan ng pag-ibig ng Diyos para sa tao: walang hinihinging kondisyon at walang hinihinging kapalit.
Amen
ReplyDelete