HOME

Saturday, May 9, 2020

Pasasalamat at pagmamahal sa mga nanay na pumanaw na.


Hindi ko malilimutan ang mga panahong inaruga mo ako, mga panahong nagsakrispisyo ka para sa akin, at mga panahong binigyang liwanag mo ang madilim na yugto ng aking buhay. Hindi mo ako iniwan at hindi mo ako pinabayaan. Nay, sa iyong paglisan sa mundong ito, baon-baon ko pa rin ang mga payo at pangaral mo na ako'y maging mabuting tao at mabuting tagasunod ng Panginoon. Nangungulila man ako ngayon, alam ko, darating ang panahon, na magkikita rin tayo sa langit kapiling ang Diyos at mga banal.  Happy Mother's Day po, Nanay! 

No comments:

Post a Comment