HOME

Saturday, May 23, 2020

Maging masaya sa pag-angat ng iba.


Sa pag-akyat ni Hesus sa langit, ang lungkot ng mga alagad ay napalitan ng galak at saya. Ito ay sapagkat malinaw sa kanila ang pangako ng Panginoon: “ipaghahanda ko kayo ng silid sa langit.” 

Hindi pinili ng mga apostol na manatili sa kalungkutan dulot nang pag-akyat ng Panginoon sa kalangitan. Mas pinili nila na panghawakan ang Pangako ni Hesus na, sa huli, magkikita-kita rin sila sa langit na walang hanggan. 

Ganito rin sana ang maging ugali natin kapag ang ating kapwa ay umaangat. Piliin natin ang maging masaya para sa iba, sapagkat ang Diyos ay may inihandang kaloob para sa ating lahat. Maaaring sila muna ang umaangat, pero darating ang panahon na ikaw naman ang i-aangat ng Panginoon. Gugustuhin mo ba na sa pag-angat mo, may mga taong hindi masaya? Marahil ay hindi. Kung kaya naman, ngayon pa lang, matuto na tayong maging masaya sa bawat kapwa nating umaangat. 

Sa madaling sabi, ang pag-akyat ng Panginoon sa kalangitan ay nagtuturo sa atin ng isang mahalagang bagay: “maging masaya tayo sa pag-angat ng iba.” 

No comments:

Post a Comment