Sa kanyang mensahe para sa ika-54 na Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon (World Communications Day), binigyang diin ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan ng pagkukuwento o storytelling. Ayon sa kanya, ang lahat ng tao ay may kuwento at tagapaghatid ng kuwento, kung kaya naman, mahalaga na ang bawat salitang lalabas sa ating mga bibig ay totoo at mabuti. Hinihikayat din tayo ng Santo Papa na maging matapang upang labanan ang mali at masasamang istorya at balita.
Napapanahon ang mensaheng ito, sapagkat ang mga makabagong teknolohiya sa komunikasyon ay nagagamit upang magdulot ng kalituhan, galit at kasinungalingan. Hindi ito ang nais ng Panginoon. Si Hesus ay Katotohanan at Buhay. Marapat lamang na ang ating pamamaraan ng komunikasyon ay totoo at nagbibigay-buhay.
Narito ang kabuuang mensahe ng Santo Papa: https://zenit.org/articles/pope-francis-message-for-54th-world-communications-day/
No comments:
Post a Comment