HOME

Sunday, January 19, 2020

Pagsasayaw ng nakahubad at malaswa, isang pambabastos sa Santo Niño #LakbayawFestival



Sa opisyal na Facebook post ay nilinaw ng pamunuan ng Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo na ang pagsasayaw ng nakahubad at malaswa ay isang pambabastos sa Panginoon. 

Binigyang diin din ng pamunuan na ang LAKBAYAW Festival ay dapat isinasagawa ng may taimtim na pananalangin at kabanalan. Matatandaan na nag-viral kamakailan ang video ng ilang kalalakihan na nagsasayaw ng nakahubad bilang bahagi raw ng kanilang pakikiisa sa Kapistahan ng Mahal na Patrong Santo Nino. 

Narito ang kabuuang pahayag ng pamunuan ng Shrine:

PAGLILINAW

Aming pinahahayag sa Lahat na ang opisyal na Lakbayaw ay nag uumpisa ng sabado sa ganap na ika 8 ng umaga.

Ang lahat ng kalahok sa lakbayaw ay ang mga dumalo sa pulong at naparehistro at nagkaroon ng numero

Ang lakbayaw natin ay naipasok ang santo niño sa ganap ba ika 12 ng tanghali.

Kaya pinasasalamatan namin ang lahat ng grupong nagparehistro. Dumalo ng pulong. At nagkaroon ng numero sapagkat sila ay nakikiisa sa adhikain ng simbahan na igalang at gawing banal ang prusisyon ng Lakbayaw.

Ang kumakalat na video na naghuhubad at nagsasayaw ng malalaswa ay HINDI PO OPISYAL NA KASALI SA HANAY NG LAKBAYAW.

Sila ang grupo na sumisira ng ating banal na gawain ng pagpaparangal sa Santo Niño.

Sapagkat kung ang inyong Turing sa santo niño ay Hari, hindi ninyo siya ipagpapalit sa anumang kasikatan at kagustuhan lamang na pansarili.

Kaya kung kayo ay grupo na kahit kailan ay ndi dumalo sa simbahan at nagpahayag ng suporta. IWASAN PO NATIN GAMITIN ANG SALITANG "KASAMA KAYO SA LAKBAYAW"
 Dahil kahit kailan ay hindi pinapayagan ng simbahan ang pag inom at pagsayaw ng malalaswa sa oras at hanay ng Prusisyon.

Sapagkat tayo ay nanalangin humihiling sa ating Santo Nino habang ginagawa ang LAKBAYAW.

kung ikaw ay naglasing.. naghihiyaw at nagsayaw lamang ng malalaswa..pakiusap wag mo kaladkarin ang pangalang Lakbayaw sa iyong mga gingawa.

Muli.. Hindi po kasama sa hanay ng prusisyon ang mga grupong nambastos sa banal na gawaing ito.

Salamat po!”

No comments:

Post a Comment