HOME

Friday, January 17, 2020

Panalangin sa Batang Hesus, ang Santo Niño


Mahal na Panginoong Hesus, Ikaw po ang Banal ng Diyos. Ang iyong kamusmusan ay larawan ng mapagkumbabang Diyos na nanahan kapiling naming mga makasalanan. Sa Iyong pagparito sa mundo ay binigyan Mo ng pag-asa at dangal kaming mga lugmok at alipin ng kasalanan. Banal na Batang Hesus, kami po ay humihingi ng tawad sa Iyo sa aming mga pagkakasala at pagkukulang. Mahabag Ka po sa amin at igawad ang Iyong mabathalang pagbabasbas. Gabayang Mo po kami sa aming paglalakbay sa buhay na ito at turuan Mo po ang aming mga puso na maging payak, payapa at masunurin sa kalooban ng Ama sa langit.

 Mahal na Batang Hesus, ipag-adya Mo rin po ako at ang aking mga mahal sa buhay laban sa masama, kasalanan, karamdaman at mga sakuna. Patuloy Mo po kaming lingapin ng Iyong Banal na Grasya. Salamat po, Panginoon, sa Iyong pagmamahal para sa aming lahat. Dinggin Mo po sana ang aming mga panalangin. Amen. 

No comments:

Post a Comment