HOME

Wednesday, September 22, 2021

Prayer to overcome worries and anxieties

 



Lord Jesus, please help me overcome my worries and fears. Teach my heart to be trusting and to be always at peace knowing that You are there, silently guiding my every way. You are my everything, Lord. You bring calm to my every afflictions. You bring healing to my every pain. You bring forgiveness to my wounded soul. You are ever-powerful and loving, and for these, I should never worry, I should never fear. 

In the midst of all the uncertainties of this earthly life, Lord, may Your light always shine, reminding me that You are always in control and, indeed, You are! Please also use me as Your vessel to illuminate Your light to other people who need hope and guidance. Stay with me, stay with us, Lord Jesus. You are our Savior and Lord. 

Thursday, September 16, 2021

Panginoon, bigyang kagalingan po Ninyo ang mga tahimik na nakikipaglaban sa Covid-19.

 


Panginoong Diyos, Ikaw po ang aming mapagkalingang Ama. Hindi po lingid sa Inyo ang dinaranas namin ngayon. Patuloy po ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at ito po ay nagdudulot ng pinsala sa aming katawan at aming kaluluwa. Tulungan Mo po sana kami, Ama, at pakinggan ang aming pagsusumamo sa Iyo na mawakasan na ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit dito sa aming bayan at sa iba't-ibang panig ng daigdig. 

Mahal naming Ama, humihingi rin po kami sa Iyo ng kapatawaran at pang-unawa para sa aming pagmamalabis at pagkukulang. Lubos po kaming nagkasala sa Iyo at sa aming kapwa-tao. Kahabagan Mo po kami, aming Ama sa langit. Sa Iyong mga kamay po ay inihahabilin namin ang aming kagalingan at ang aming kahihinatnan. Sa Ngalan ni Hesus na aming Panginoon, Amen. 

Saturday, September 11, 2021

Life is short!

 


There is no argument that life on earth is, indeed, very short.  The only question, I guess, is how we spend this short life that our Creator gave us. We can either live in peace or wallow in bitterness. We can either love or hate. We can either hope or despair. We can either obey or neglect.  The choice is ours to make.  

And when we make our decisions make sure that we always take in consideration the fact that life is short, and don't try to even make it shorter by choosing ungodly choices. Let us live our lives according to the purpose God has called us to do, because that way, our short lives will becoming meaningful for we have pleased God. 

PRAYER: Lord JESUS CHRIST, You are the Alpha and the Omega, the Beginning and the End. Instill in our hearts the fact that anytime, our lives on earth could end sooner than we least expected it.  Guide us in our daily choices, so we can always choose what pleases You.  At the end our lives, may we all find ourselves resting in Your loving arms. Amen. 

Tuesday, September 7, 2021

Mapalad ka sa lahat ng salin-lahi! (Lucas 1:48)

 


Ang natatanging pagtingin at pagkilala ng mga Katoliko sa Mahal na Birheng Maria ay hindi maituturing na idolatriya sapagka't, una, malinaw sa mga Katoliko na hindi Diyos si Maria. Ang pagpaparangal na ibinibigay sa kanya ay naka-ugat sa katotohanan na "siya ay punong-puno ng grasya (Lucas 1:28)," "bukod siyang pinagpala sa lahat ng mga babae (Lucas 1:42),"  at "ang Panginoong Diyos ay sumasakanya (Lucas 1:28)." 

Ang mga katotohanang ito ay malinaw na inihayag ng Diyos sa tao. Kung kaya nga noon pa man ay makikita na natin ang pagpaparangal at pagtangkilik na ito kay Maria bilang isang natatanging hinirang ng Diyos. Sa mga salita ni Elizabeth noong dalawin siya ni Maria ay mababasa natin ito: 

"Sino ako upang dalawin ng Ina ng aking Panginoon?" (Lucas 1:43)  o sa salitang Ingles, "But why am I so favored, that the mother of my Lord should come to me?"

Sa madaling sabi, ang makasama pala si Maria ay isang napaka-laking karangalan. Pagpapakita ito kung paano pinagpipitagan si Maria simula pa noon.  Maaaring sabihin ng ilan, "opinyon lang yan ni Elizabeth."  Hindi po. Kung babalikan po natin ang naunang talata (Lucas 1:41), mababasa natin na si Elizabeth ay napuspos ng Espiritu Santo. Nangangahulugan ito na ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay mga rebelasyong mula mismo sa Diyos. Ito po ay tugma noong ihayag ng Banal na Kasulatan na si Maria ay tatawaging mapalad o "blessed" sa lahat ng salin-lahi (Lucas 1:48). Hindi na ito kataka-taka sapagkat sinsabi mismo ng Panginoong Hesus na kung sinuman ang naglilingkod sa Kanya ay pararangalan ng Ama (Juan 12:26) at kabilang na nga dito si Maria na naging tapat na alipin ng Diyos, Ina ng Tagapagligtas. Kung ang Diyos mismo ay kayang magbigay parangal sa Kanyang mga tapat na nilikha, sino tayo para hindi tumulad sa Diyos?  Ang pagpaparangal kay Maria ay pagpaparangal sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng karangalan. 

Monday, September 6, 2021

Wala tayong pwedeng ipagmalaki sa Panginoon

 

Wala tayong pwedeng ipagmalaki sa Diyos. Tayong lahat ay nagmula sa alabok at sa alabok din tayo magbabalik. Tayo ay mga likha lamang ng Panginoon at nabubuhay tayo dahil sa Kanyang awa at grasya. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mayroon tayo ay nagmula sa Kanyang kabutihan, kabilang na dito ang ating mga ari-arian, pera, atbp. 

Ang lahat, samakatuwid, ay galing sa Diyos na dapat nating tanawin na malaking utang na loob. Siya at Siya lamang ang pinagmumulan ng lahat. Kung kaya nga, wala tayong karapatan na magkait ng tulong sa mga kapatid nating lubos na nangangailangan. Kinalulugdan ng Diyos ang mga taong nagbibigay ng masaya. 

Friday, September 3, 2021

Maikli lang ang buhay. Magpatawad at Magmahal.

 


Maikli lamang ang buhay.  Mabilis umiinog ang panahon. Huwag na nating gugulin ang ating oras sa galit o inis. Humingi tayo ng tulong sa Diyos upang tayo’y makapagpatawad at magmahal. Ang hindi nagpapatawad ay hindi pa malaya. Ang hindi marunong magmahal ay hindi pa lubusang nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig. 

Noong ang Panginoon ay nakabayubay sa Krus, pinatawad Niya ang tao. Noong ang Panginoon ay namatay sa Krus, pinatunayan Niya ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa tao. Ikaw naman, O Tao, kailangan ka magpapatawad? Kailangan ka magmamahal? 

Mabilis lamang tayong dadaan sa daigdig na ito. Linisin ang puso. Alisin na ang mga nagpapabigat sa ating paglalakbay. Ibigay na natin ang lahat sa Panginoon.