HOME

Monday, March 9, 2020

The Pastoral Letter of His Excellency Broderick Pabillo, Auxillary Bishop and Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila, on COVID-19.

The Pastoral Letter of His Excellency Broderick Pabillo, Auxillary Bishop and Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila, on COVID-19. 

Sunday, March 8, 2020

Tinalikuran nga ba talaga tayo ng Diyos o tayo ang tumalikod sa Kanya?

Dumating ka na ba sa sitwasyon na nangangapa ka sa dilim? Mga sitwasyon na akala mo ay iniwan ka na ng Diyos? Kaya ba talaga ng Diyos mang-iwan? Kaya ba talaga Niyang magpabaya? 

Ipinangako ng Panginoon sa mga talata ng Bibliya na “kailanman ay hindi Niya tayo iiwan at kailanman man ay hindi Niya tayo pabayaan.” Tapat ang Diyos, and tao ay hindi. Sa mga pagkakataon na hindi mo makita ang Diyos sa mga sitwasyong kinapapalooban mo, hindi kaya dahil Ikaw ay nakatalikod sa Kanya? Hindi kaya ikaw ang nang-iwan sa Kanya? 

Ang panonood ng pornograpiya at paggawa ng kalaswaan ay gawa ng diyablo.

Ang panonood ng pornograpiya ay nagdudulot ng sakit sa Puso ng Panginoon. 

Sa bawat pindot mo ng “play button” ay may Diyos na nalulungkot at may diyablong natutuwa. Ang kahalayan ng isip at gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos. Ito ay tahasang pagsalungat sa kalinisang hangad ng Diyos para sa ating lahat. 

Ang pornograpiya ay maaaring makasira sa magandang relasyon ng mag-asawa. Ang pagpapantasya o pagtingin ng may kahalayan sa ibang tao, lalo’t higit kung hindi mo asawa, ay isang uri ng panganaglunya ayon sa Bibliya. Ang nangangalunya, kung hindi magbabago, ay walang puwang sa kaharian ng langit. 

Lahat tayo, minsan sa ating buhay, ay nahumaling din sa pornograpiya. Hilingin natin ngayon sa Diyos na tulungan ang lahat ng mga nalululong sa ganitong pagkakasala na makabalik sa tamang daan patungo sa Ama. 

Ang nagpaparangal sa kanyang mga magulang ay pinagpapala ng Panginoon.

Kumusta ang relasyon mo sa iyong mga magulang? Kumusta ang pakikitungo mo sa iyong Ama? Kumusta ang pakikitungo mo sa iyong ina? Mainam kung ang iyong relasyon sa kanila ay maayos at payapa. Subalit kung hindi naman, mainam na tayo'y magnilay at makinig sa Salita ng Panginoon. 

Tandaan natin na ang sinuman na nagpaparangal sa kanyang mga magulang ay nagpaparangal din sa Panginoon. May kalakip na Pangako para sa mga taong gumagawa nito. Sinasabi sa atin ng Bibliya na "igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios." (Exodo 20:12)

Sinasabi rin sa atin ng Aklat ni Sirach na ang sinumang gumagalang sa kanyang ama ay nagbabayad na ng kanyang kasalanan at sinumang gumagalang sa kanyang ina ay nag-iipon na ng kayamanan sa langit (Sirach 3:2-4).

Ngunit paano kung ang mga magulang mismo natin ang naglagay sa atin sa alangin? Paano kung sila mismo ang sanhi ng ating kalungkutan at kinasasadlakang dusa? Paano kung sila mismo ang ating kaaway?  Isa lamang sagot. MAHALIN AT IGALANG MO PA RIN SILA, sapagkat ito ang nais ng Diyos.  Sundin mo ito at hinding-hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo.  

Saturday, March 7, 2020

Do not waste your energy in envy. God’s blessings are unique for each person.

When someone you know becomes fruitful and successful, be happy for them. Do not waste your energy envying the person, because doing so will only blind your eyes to the unique blessings God has given you. Envy kills. It will kill your relationship with God. It will also weaken your trust in God. Envying someone will make you a habitual complainer preventing you to see all the good in your life. It will also lessen your self-esteem. 

Envy is the devil’s work. It deceives you to think that God in unfair, that God plays favorites. But, no. God has never been unfair. God provides for each of us. We are all equal in His eyes. He died on the cross, not for the chosen race alone, BUT FOR ALL - you and me included. 

Let us ask the LORD to give us the grace to overcome the sin of envy. May we all learn to Trust in the providence of God.

DO NOT waste your energy in envy. God’s blessings are unique for each person.

Panginoon, palakasin Mo po ang aming pananalig.

Sa mga panahong sinusubok tayo ng iba’t-ibang kaganapan sa ating paligid, lumapit tayo sa Diyos at hilingin ang Kanyang grasya na patatagin ang ating pananalig. 

+Sa Ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO. Amen. 

Ama namin sa langit, kami po ay lumalapit sa Iyo upang idulog ang aming mga pangangailangan. Palakasin Mo po kami sa pananalig at turuan na magtiwala sa Iyong banal na kalooban para sa amin. Alisin Mo po ang takot sa aming mga puso  at bigyan Mo po sana kami ng kapayapaan at katahimikan na sa Iyo lamang nagmumula. Sa Ngalan ni HESUS, Amen.