Monday, May 29, 2023
Panalangin para sa isang MILAGRO
Saturday, May 27, 2023
The Holy Spirit Miracle Prayer
Thursday, May 25, 2023
Sama-samang panalangin laban sa Super Typhoon
PANALANGIN LABAN SA MALAKAS NA BAGYO. 🙏+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.
Panginoong Hesus, kami po ngayon ay lumalapit sa Iyo upang hilingin ang Iyong Awa at pag-iingat para sa aming lahat. Pahupain po sana Ninyo ang papalapit na Bagyo at huwag po sana Ninyong hayaan na may mapinsala na mga buhay at ari-arian. Mahabag Ka po sa amin. Tulungan Niyo po kami. Amen.
Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…
Saturday, May 13, 2023
Pasasalamat at panalangin para sa lahat ng mga Nanay na pumanaw na. 🥺
Hindi ko malilimutan ang mga panahong inaruga mo ako, mga panahong nagsakrispisyo ka para sa akin, at mga panahong binigyang liwanag mo ang madilim na yugto ng aking buhay. Hindi mo ako iniwan at hindi mo ako pinabayaan. Nay, sa iyong paglisan sa mundong ito, baon-baon ko pa rin ang mga payo at pangaral mo na ako'y maging mabuting tao at mabuting tagasunod ng Panginoon. Nangungulila man ako ngayon, alam ko, darating ang panahon, na magkikita rin tayo sa langit kapiling ang Diyos at mga banal. Happy Mother's Day po, Nanay!
Pagpupugay sa mga ILAW NG TAHANAN! ❤️
Nabigyang buhay ang isang tulad ko ng dahil sa kanya.
Nabigyang direksyon ang buhay ko ng dahil din sa kanya.
Ang kanyang pag-alalay ang siyang nagpatatag at humubog saking pagkatao.
Ang kanyang pagmamahal at pang-unawa ang siyang patuloy na nagbibigay kapanatagan sa puso kong bagabag.
Kilala niya ako mula ulo hanggang paa. Talos niya ang laman ng isip at puso ko.
Ramdam niya kapag ako'y malungkot at ramdam din niya kapag ako'y masaya at nagagalak.
Ang kanyang mga pangaral at pangungusap ang siyang nagbigay pundasyon sa mga prinsipyong isinasaalang-alang ko para mabuhay ng tama at patas. Sa kanya ko natutunan ang kahalagahan ng pagbabahagian. Sa kanya ko rin natutunan yung kahalagahan ng paggalang sa Diyos at sa kapwa.
Siya ang nagbigay linaw sa mga kalituhan sa isip ko. Siya ang nagbigay liwanag sa madilim na mga bahagi ng buhay ko.. Wala siyang sawa sa pag-intindi, pagmamahal at pag-aalaga..
Iba talaga si nanay.. Wala siyang sawa sa pag-intindi, pagmamahal at pag-aalaga..
Ang buhay ng isang ina ay ang kanyang mga anak. Wala silang hangad kundi ang mapabuti ang ating kinabukasan at mailagay tayo sa maayos. Isa sila sa pinakamagandang biyaya galing sa Diyos..
Kaya sa lahat ng mga nanay, Happy Mother's Day!
Mother Mary, please pray for all the mothers!
Friday, May 12, 2023
Healing Prayer through the Intercession of Our Lady of Fatima
O Most Holy Virgin Mary, Queen of the most holy Rosary, you were pleased to appear to the children of Fatima and reveal a glorious message. We implore you, inspire in our hearts a fervent love for the recitation of the Rosary. By meditating on the mysteries of the redemption that are recalled therein may we obtain the graces and virtues that we ask, through the merits of Jesus Christ, our Lord and Redeemer. Amen.
Sunday, March 12, 2023
Panalangin ng paghilom sa tulong ni San Roque
Mahal na San Roque, idulog din po sana ninyo sa Diyos ang espiritwal na kagalingan para sa aming mga makasalanan. Kahabagan nawa kami ng Diyos na iyong nilugod noong ikaw at nandito pa sa lupa. Amen.
Saturday, December 10, 2022
Prayer for the Broken-hearted
LORD JESUS CHRIST, You are described in the scripture as the God who is near to the brokenhearted. I humbly implore Your power to console and bring healing to my brokenness and torment. I believe that nothing is impossible for you to do, and so I beg You, my dear LORD, to convert my sufferings into a joyful experience of Your heavenly love.
Allow my spirit to focus on You alone, so that I may see and understand the blessing behind my broken heart. I entrust everything to You, my LORD JESUS; because You are my only hope. Heal me. Save me. Amen.
Tuesday, November 22, 2022
Prayer for the Persecuted Christians and their Persecutors
LORD JESUS CHRIST, we humbly come to You today to pray for our brothers and sisters who are being persecuted because of their faith in You. We ask for Your Divine intervention, O Lord, and grant our persecuted brethren the strength to bear all the pains and sufferings faithfully for the sake of Your Gospel and for the advancement of Your Kingdom here on Earth. We pray that by their sacrifices many souls will obtain Your promise of salvation.
Lord, we also lift up to You the hearts and souls of the persecutors. May they find You in their and hearts and, just like Saint Paul, be converted to the faith. In Your Holy Name, Amen.
Wednesday, September 7, 2022
“Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat!” -Lucas 1:42
Ang natatanging pagtingin at pagkilala ng mga Katoliko sa Mahal na Birheng Maria ay hindi maituturing na idolatriya sapagka't, una, malinaw sa mga Katoliko na hindi Diyos si Maria. Ang pagpaparangal na ibinibigay sa kanya ay naka-ugat sa katotohanan na "siya ay punong-puno ng grasya (Lucas 1:28)," "bukod siyang pinagpala sa lahat ng mga babae (Lucas 1:42)," at "ang Panginoong Diyos ay sumasakanya (Lucas 1:28)."
Ang mga katotohanang ito ay malinaw na inihayag ng Diyos sa tao. Kung kaya nga noon pa man ay makikita na natin ang pagpaparangal at pagtangkilik na ito kay Maria bilang isang natatanging hinirang ng Diyos. Sa mga salita ni Elizabeth noong dalawin siya ni Maria ay mababasa natin ito:
"Sino ako upang dalawin ng Ina ng aking Panginoon?" (Lucas 1:43) o sa salitang Ingles, "But why am I so favored, that the mother of my Lord should come to me?"
Sa madaling sabi, ang makasama pala si Maria ay isang napaka-laking karangalan. Pagpapakita ito kung paano pinagpipitagan si Maria simula pa noon. Maaaring sabihin ng ilan, "opinyon lang yan ni Elizabeth." Hindi po. Kung babalikan po natin ang naunang talata (Lucas 1:41), mababasa natin na si Elizabeth ay napuspos ng Espiritu Santo. Nangangahulugan ito na ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay mga rebelasyong mula mismo sa Diyos. Ito po ay tugma noong ihayag ng Banal na Kasulatan na si Maria ay tatawaging mapalad o "blessed" sa lahat ng salin-lahi (Lucas 1:48). Hindi na ito kataka-taka sapagkat sinsabi mismo ng Panginoong Hesus na kung sinuman ang naglilingkod sa Kanya ay pararangalan ng Ama (Juan 12:26) at kabilang na nga dito si Maria na naging tapat na alipin ng Diyos, Ina ng Tagapagligtas. Kung ang Diyos mismo ay kayang magbigay parangal sa Kanyang mga tapat na nilikha, sino tayo para hindi tumulad sa Diyos? Ang pagpaparangal kay Maria ay pagpaparangal sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng karangalan.
Tuesday, September 6, 2022
Powerful Prayer to the Mother of Perpetual Help
It is true that in the past I have miserably fallen into sin, because I had not recourse to thee. I know that, with thy help, I shall conquer. I know. too, that thou wilt assist me, if I recommend myself to thee; but I fear that, in time of danger, I may neglect to call on thee, and thus lose my soul. The grace, then, I ask of thee, and this I beg, with all the fervor of my soul, that in all the attacks of hell I may ever have recourse to thee. O Mary, help me. 0 Mother of Perpetual Help, never suffer me to lose my God.
Sunday, September 4, 2022
GOD is more than enough!
“When you have nothing left but God, you have more than enough to start over again.” -Mother Teresa
LET US PRAY: LORD JESUS CHRIST, You are described in the scripture as the God who is near to the brokenhearted. I humbly implore Your power to console and bring healing to my brokenness and torment. I believe that nothing is impossible for you to do, and so I beg You, my dear LORD, to convert my sufferings into a joyful experience of Your heavenly love. Allow my spirit to focus on You alone, so that I may see and understand the blessing behind my broken heart. I entrust everything to You, my LORD JESUS; because You are my only hope. Heal me. Save me. Amen.
Wednesday, August 31, 2022
Lord, please make my SEPTEMBER a Month of Healing and Grace.
Lord, please bless us this new month of September. We invoke Your powerful Name, Lord Jesus, to deliver us from all harm, from all sickness and from all evil.
Please heal our country and the whole world. You alone, O Lord, is our refuge and our strength. Save us, O Savior of the world!
Thursday, December 30, 2021
LORD, we thank You for a Blessed 2021!
Father in heaven, as the year closes, I sincerely thank You for all the blessings and lessons you gave me. Please be with me this coming new year and beyond. I cannot do anything without Your guidance, providence and grace. You are everything to me, dear God. I love You with all my heart. I humbly surrender to You all my plans and endeavors in life. Bless me, Father, and all my loved ones. In the Name of Jesus Christ, our Lord and Savior, Amen.
LORD, we thank You for a Blessed 2021!
Friday, November 19, 2021
Ang INGGIT ay mapaminsala.
Ang inggit ay nakamamatay. Ito ay mapaminsala. Pinapatay nito ang ating relasyon sa Diyos, sa ating kapwa, at sa ating sariling pagkatao. Ang inggit ay kasalanan. Nasasaktan ang Puso ng Diyos sa tuwing tayo ay naiinggit, sapagkat ito'y pakahulugan na wala tayong tiwala sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos na magkaloob ng mga biyaya.
- Manalangin. Sa tuwing tayo ay makakaramdam ng inggit, tumakbo po tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin. Hilingin natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng grasya na mamuhay ng kontento. Sa panalangin ay napapalapit tayo sa Panginoon. Ang taong malapit sa Panginoon ay may lakas upang mapaglabanan ang masama, kabilang na ang inggit.
- Tumingin sa mga sariling biyaya at huwag magkumpara sa iba. Ang Diyos ay nagbibigay ng biyaya sa lahat. Hindi natin kailangan tumingin sa pag-unlad ng iba at ikumpara ang ating buhay. Tignan natin ang ating personal na buhay at kung paano, mula noon hanggang ngayon, ay naging mabuti ang Diyos sa kabila ng lahat. Magsumikap, patuloy na manalangin at magpakabuti. Ito ang mga bagay na dapat natin pinagtutuunan ng pansin at oras.
- Magpasalamat lagi sa mga biyayang natanggap. Ang isang taong marunong magpasalamat sa Diyos ay mga taong kuntento sa buhay. Ang mga taong kuntento sa buhay ay mga taong may kapayapaan ang puso at hindi naiinggit sa kanyang kapwa.
Sunday, November 7, 2021
Panalangin para sa mabilis na paghilom
PANALANGIN # 1
+Sa Ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO. Amen.
Panginoong Hesus, ang aming Dakilang Manggagamot, itinataas po namin sa Iyo ngayon ang lahat ng mga may karamdaman. Bigyan Mo po sila, Panginoon, ng lakas upang lumaban at hindi mawalan ng pag-asa. Buong puso po kaming nananalig na sila ay pagkakalooban Mo ng kagalingan, hindi lamang po pisikal kundi, higit sa lahat, espiritwal.
PANALANGIN # 2
Panginoong Hesus, noong Ika'y nagsimula sa Iyong pangangaral, kasama sa Iyong mga mithi ang pagalingin ang mga may karamdaman. Hinanapan Mo sila ng pananampalataya, dahil batid Mong ang tunay na pagkakasakit ay nag-uugat sa loob ng puso at nagsisimula sa pagtalikod ng tao sa Diyos.
Ako ay sumasampalataya, Panginoon, na ako ay kaya Mong pagalingin. Kung may kulang man, Panginoon, sa aking pananalig at pagtitiwala sa Iyo, Kayo na po ang Siyang magsulit at magpasya. Kung loloobin po Ninyo, ayon sa Inyong banal na kalooban, ako ay makakabangon mula sa aking sakit at dusa.
AMEN.
Monday, November 1, 2021
Panalangin para sa mga kaluluwa
PANALANGIN PARA SA MGA KALULUWA.
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. AMEN.
Inihahabilin ko kayo, ___(pangalan ng yumao o listahan ng mga pangalan ng mga yumao)_____ sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, at ipinagkakatiwala ko kayo sa ating Manlilikha.
Mamahinga kayo nawa sa bisig ng Panginoon na maylikha sa atin mula sa alabok ng kalupaan.
Salubungin kayo nawa ni Santa Maria, ng mga anghel at mga santo sa paghayo ninyo mula sa buhay na ito.
Nawa si Kristo na nagpapako sa Krus para sa inyo ay bigyan kayo ng kalayaan at kapayapaan.
Nawa si Kristo na namatay para sa inyo ay tanggapin kayo sa Kanyang Hardin na Paraiso.
Nawa si Kristo, ang Tunay na Pastol, ay yakapin kayo at ibilang kayo kaisa ng Kanyang kawan.
Naway patawarin Niya ang inyong mga kasalanan, at ibilang kayo sa Kanyang mga hinirang.
Makita niyo nawa ang mukha ng ating Manunubos, at masiyahan sa pinagpalang tanawin ng Diyos magpakailanman.
AMEN.
#Undas2021 #AllSouls #EternalMemory2021
Sunday, October 31, 2021
Catholics do not worship Saints.
Thursday, October 28, 2021
Salamat sa masasayang ala-ala!
Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya mo kami sa lahat ng masama, Amen.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kaming makasalanan, Ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.

















