HOME

Thursday, February 27, 2020

Ang “tsismis” ay hindi kalugod-lugod sa Diyos. Ito ay gawa ng diyablo.



Ang tsismis ay pumapatay. Ito ay pumapatay sa ating relasyon sa Diyos, sa ating kapwa at sa ating sarili. Ang pagkakalat ng balitang hindi totoo ay malaking pagkakasala na dapat nating tigilan at iwasan. Ang tsismis ay hindi kalugod-lugod sa ating Diyos na Siyang katotohanan. Ang tsismis ay gawa ng diyablo na ang layunin ay italikod ang tao sa Diyos. 

Sa mga pagkakataon tayo ay natutukso na mag-tsismis at maki-tsismis, isipin natin si HESUS na nakapako sa krus. Hilingin natin sa Kanya ang grasya na mapagtagumpayan ang kasalanang ito. 

1 comment: