HOME

Friday, February 21, 2020

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NGAYONG KUWARESMA


Sa Miyerkules ng Abo ay sisimulan natin ang panahon ng kuwaresma. Narito ang mga mahahalagang bagay na dapat nating isaalang-alang:

  1. Mangumpisal. Ang paghingi ng tawad sa Diyos ang siyang pangunahing mensahe ng kuwaresma. Inaanyayahan tayo ng Santa Iglesia na ituwid ang ating buhay at makipagkasundo sa Diyos. 
  2. Mag-ayuno. Ang pag-aayuno ay isang pamamaraan ng disiplina at pamamaraan upang tayo ay “mamatay sa sarili” at mas lalong mapalapit sa Diyos. Ang pag-aayuno ay dapat gawin ng may tapat na intensyon na mapalapit sa Diyos at hindi upang “mag-diet” lamang. 
  3. Tumulong sa mga nangangailangan. Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na ang “pananampalatayang walang gawa ay patay.” Sa panahon ng kuwaresma ay hinihimok tayo ng Santa Iglesia na magbahagi. Ito ay upang ipaalala sa atin na ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos at wala tayong karapatan na maging maramot at sakim. 
  4. Magpatawad. Sa panahon ng kuwaresma at mga mahal na araw, binibigayang diin ng Santa Iglesia ang paghahandog ng buhay ng Panginoon na nagdulot ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Kung ang Diyos ay nagpapatawad, sino tayo upang hindi  ito ibigay sa mga humihingi nito? Ang pagpapatawad ay utos ng Panginoon. 

No comments:

Post a Comment