HOME

Tuesday, March 3, 2020

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ipapahamak. Ang tunay na kaibigan ay aakayin ka sa kabutihan.


Marami ka bang kaibigan? Ilan sa mga kaibigan mo ang sa tingin mo ay totoo? Ilan sa mga kaibigan mo ang nag-aakay sa’yo na gumawa ng mabuti? 

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka bubuyuhin gumawa ng masama. Ang tunay na kaibigan ay aakayin ka na maging mabuti at gumawa ng mabuti. Mahalaga na piliin natin ang ating mga kaibigan sapagkat sinasabi ng banal na kasulatan na “ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.” (1 Corinto 15:33)

Tunay bang kaibigan ang uudyukan kang magrebelde sa magulang ?

Tunay bang kaibigan ang uudyukan kang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot?

Tunay bang kaibigan ang tuturuan kang magsinungaling para pagtakpan ang isang bagay?

Tunay bang kaibigan ang uudyukan kang lumabag sa batas at lumabag sa utos ng Diyos? 

Mabuti na mapagnilayan natin ang mga bagay na ito upang hindi tayo magsisi sa bandang huli. 

No comments:

Post a Comment