HOME

Saturday, March 28, 2020

Huwag mong katamaran ang taimtim na pananalangin sa Diyos


Ang buhay ng isang Kristyano ay dapat nakatuon sa isang buhay na punong-puno ng pananalangin. Ang panalanging taimtim at taos-puso ay nagpapalalim sa ating ugnayan sa Panginoon. Ito ay nagbibigay pagkakataon sa atin upang ihayag sa Diyos ang ating mga hinaing at kasabay nito, upang marinig din natin ang tinig ng Diyos - ang tinig na gumagabay at nagpapabanal sa atin. 

Sa panahong ito na tayo ay sinusubok sa ating pananalig, huwag sana nating pabayaan at katamaran ang pananalangin. Nasa panahon tayo na kung saan ang ating ugnayan sa Diyos ay dapat mas malalim at mas personal. Si Hesus man ay maka-ilang ulit nanalangin sa Ama, at maging halimbawa nawa ito sa atin upang tularan at sundan. 

No comments:

Post a Comment