HOME

Saturday, June 20, 2020

Hanggang sa muli nating pagkikita! Isang pagpupugay para sa mga Ama na yumao na.


Tay, hindi kita malilimutan. Hindi ko kayang kalimutan ang mga masasaya at malulungkot na ala-ala na kasama kita. Hindi ko kayang kalimutan ang pagtataguyod mo sa ating pamilya. Hindi ko kayang kalimutan ang mga pagkakataong hindi mo ako iniwan sa panahong ako'y dapang-dapa dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay. Hindi ko kayang kalimutan ang mga pangaral mo upang ako'y maging mabuting tao. 

Hindi ko rin kayang kalimutan ang maka-ilang beses na tayo'y nagtalo, nagkasamaan ng loob at hindi nag-usap. Pinagsisisihan ko ang mga ito at nanaising balikan para aking maitama. Hinding-hindi ko rin kayang kalimutan ang mga pagkakataon na pinagtanggol mo ako laban sa mga taong masama ang hangarin sa akin. Hindi ko kayang kalimutan ang mga pagtatakip na ginawa mo sa akin para hindi ako pagalitan ng husto ni nanay.  Tay, nangungulila ako sa pagkalinga mo. Hanggang sa muli nating pagkikita! 

Friday, June 19, 2020

PAG-IBIG SA PUSO NI NANAY


Nais mo bang matagpuan ang Diyos? Nais mo bang maramdaman ang Kanyang pag-ibig? Hindi mo na kailangan lumayo. Tignan mo ang puso ng iyong sariling ina. Ito ay puspos ng pag-ibig at walang ibang tinitibok kundi ikaw. Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagbigay sa'yo ng pagkatao't saysay. Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagtulak sa'yo para mangarap. Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagdala sa'yo kung nasaan ka ngayon.  Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagbigay katuturan sa iyong pag-iral. Ang pag-ibig ding ito ang nagdulot ng mga hirap at pagsasakripisyo sa iyong ina. Mga sakripisyo na tahimik niyang binata at itinago sa kanyang puso alang-alang sa kinabukasan mo. 

Ang pagkakaroon mo ng maayos na pamumuhay, pagiging mabuting tao at pagiging malapit sa Diyos ay mga katangiang nagbibigay galak sa puso ng iyong ina. Ang mga paghihirap at kabiguan mo naman ay nagdudulot ng hapdi at kirot sa kanyang puso na walang ibang hangad kundi ang protektahan ka at ipaglaban ka. 

Ang puso ng isang ina ay salamin ng Pag-ibig ng Diyos sa tao - gagawin ang lahat mailagay lamang tayo sa mabuti.  

Monday, June 15, 2020

Ang INGGIT ay mapaminsala!


Ang inggit ay nakamamatay. Ito ay mapaminsala. Pinapatay nito ang ating relasyon sa Diyos, sa ating kapwa, at sa ating sariling pagkatao. Ang inggit ay kasalanan. Nasasaktan ang Puso ng Diyos sa tuwing tayo ay naiinggit, sapagkat ito'y pakahulugan na wala tayong tiwala sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos na magkaloob ng mga biyaya. 

Narito ang ilang mga pamamaraan upang mawala o maiwasan ang inggit sa ating mga katawan:

  • Manalangin. Sa tuwing tayo ay makakaramdam ng inggit, tumakbo po tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin. Hilingin natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng grasya na mamuhay ng kontento. Sa panalangin ay napapalapit tayo sa Panginoon. Ang taong malapit sa Panginoon ay may lakas upang mapaglabanan ang masama, kabilang na ang inggit. 
  • Tumingin sa mga sariling biyaya at huwag magkumpara sa iba. Ang Diyos ay nagbibigay ng biyaya sa lahat. Hindi natin kailangan tumingin sa pag-unlad ng iba at ikumpara ang ating buhay. Tignan natin ang ating personal na buhay at kung paano, mula noon hanggang ngayon, ay naging mabuti ang Diyos sa kabila ng lahat. Magsumikap, patuloy na manalangin at magpakabuti. Ito ang mga bagay na dapat natin pinagtutuunan ng pansin at oras. 
  • Magpasalamat lagi sa mga biyayang natanggap. Ang isang taong marunong magpasalamat sa Diyos ay mga taong kuntento sa buhay. Ang mga taong kuntento sa buhay ay mga taong may kapayapaan ang puso at hindi naiinggit sa kanyang kapwa. 



Saturday, June 6, 2020

May panahon para tumahimik at may panahon kung kailan kailangan nating magsalita.


May panahon para tumahimik at may panahon kung kailan kailangan nating magsalita. Hindi kasalanan ang aktibong pakikilahok sa mga pangyayari sa lipunan, lalo't ang pakikilahok ay bunga ng ating pagnanasa na matamo ang hustisya, tulungan ang mga mahihirap at ipagtanggol ang mga naaapi (Isaias 1:17).  Ang kasalanan ay ang manatiling bulag sa mga kasamaang umiiral sa ating paligid. Ang kasalanan ay ang manatiling tahimik sa mga pang-aabusong ginagawa sa ating kapwa-tao, lalo't higit kung ang pang-aabusong ito ay nagmumula sa may kapangyarihan.  

Bilang mga binyagang Kristyano, may responsibilidad tayong ibunyag ang masasama (Efeso 5:11), kahalintulad ng pagbubunyag na ginawa ni San Juan Bautista sa mga kasamaan ni Haring Herodes. Ang pagbubunyag na ito sa kasamaan ay pakiisa natin sa tinatawag na "prophetic" ministry ng ating Panginoon.  Tayo ay may pananagutan sa ating kapwa. Tayo ay may pananagutan sa Panginoon. 

Friday, June 5, 2020

"He cares for you!" -1 Peter 5:7



Jesus is giving you true love, but you always prefer the love of the world. He is offering you the kind of peace no one can take away, but you always favor the call of the flesh. Jesus respects your choices, even though your choices doesn't include Him. He looks after you, even though you always run away from Him. Jesus loves you, and He cares for you even though you doesn't care about Him. 

You see, no matter how sinful you are, you are still precious in the sight of God. You remain to be His beloved, redeemed by His Body and Blood on the cross. If His dying on the cross doesn't convince you how much He cares for you, I don't know what else will convince you. 

Thursday, June 4, 2020

Ang tinitibok ng Puso Niya ay ikaw! #SacredHeart



Ang Puso ng Diyos ay hindi napapagod  at hindi nagsasawang magmahal sa atin. Mula pa nang likhain ang sanlibutan hanggang sa kasalukuyang panahong ito, ang Puso ng Diyos ay patuloy na tumitibok para sa'yo at para sa akin. 

Hindi mahalaga kung ikaw ay nagkasala noon, ang mahalaga ay ikaw ay nagbabalik-loob ngayon. Hindi mahalaga kung ikaw ay naging marupok noon, ang mahalaga ay ikaw ay nagpapakatatag ngayon.  Ang Puso ng Diyos ay walang ibang hangad kundi ang pagbabalik ng tao sa Kanya. Ang Puso ng Diyos ay walang ibang tinitibok kundi ikaw. 

Ang Diyos na nagmahal noon, ay Siya pa ring Diyos na nagmamahal ngayon. Ang Diyos na nag-alay ng buhay noon, ay Siya paring Diyos na naghahandog ngayon. Ang Puso ng Diyos ay nag-uumapaw sa Pag-ibig. Pag-ibig na laan para sa ating lahat.  

Tuesday, June 2, 2020

Sa aking pagkakadapa ay ibinangon Mo akong muli! Salamat, Panginoon!


Hindi ako perpektong anak Mo. Maraming ulit na Ikaw ay aking binigo, tinalikuran at kinalimutan; nguni't hindi Ka nagsawa at hindi Ka nang-iwan. Patuloy Mo akong sinundan, patuloy Kang naghintay haggang sa ako'y muling magbalik sa piling Mo. 

Ang ligaya na ibinibigay ng mundo ay mababaw, nguni't ang ligayang sa Iyo mismo nagmumula ay malalim, makabuluhan at pang habang-buhay.  Sa makailang ulit na ako ay nadapa dahil sa patuloy Kong pag-iwas sa Iyo, naroroon Ka pa rin at walang sawang nagbabangon sa akin. Salamat, Panginoon, sapagka't hindi Mo ako hinayaang mawalay sa Iyong pagkalinga at pagmamahal.  Ikaw po nawa ang maghari sa buhay ko. 

Monday, June 1, 2020

Lord Jesus, please grant us Your healing and peace this month of June!


Lord Jesus, we thank You for this new month, for giving us hope that everything will soon be well. We humbly ask You, Dearest Lord, to grant us Your healing and peace beginning this month of June. 

Please forgive us, also, for the all bad things we have committed against You and our neighbor; and for all the good things we have failed to do. May Your unfailing help be with us always. May Your eternal love be our forever guide in this world full of hatred and useless fear.