HOME

Friday, June 19, 2020

PAG-IBIG SA PUSO NI NANAY


Nais mo bang matagpuan ang Diyos? Nais mo bang maramdaman ang Kanyang pag-ibig? Hindi mo na kailangan lumayo. Tignan mo ang puso ng iyong sariling ina. Ito ay puspos ng pag-ibig at walang ibang tinitibok kundi ikaw. Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagbigay sa'yo ng pagkatao't saysay. Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagtulak sa'yo para mangarap. Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagdala sa'yo kung nasaan ka ngayon.  Ang pag-ibig sa kanyang puso ang nagbigay katuturan sa iyong pag-iral. Ang pag-ibig ding ito ang nagdulot ng mga hirap at pagsasakripisyo sa iyong ina. Mga sakripisyo na tahimik niyang binata at itinago sa kanyang puso alang-alang sa kinabukasan mo. 

Ang pagkakaroon mo ng maayos na pamumuhay, pagiging mabuting tao at pagiging malapit sa Diyos ay mga katangiang nagbibigay galak sa puso ng iyong ina. Ang mga paghihirap at kabiguan mo naman ay nagdudulot ng hapdi at kirot sa kanyang puso na walang ibang hangad kundi ang protektahan ka at ipaglaban ka. 

Ang puso ng isang ina ay salamin ng Pag-ibig ng Diyos sa tao - gagawin ang lahat mailagay lamang tayo sa mabuti.  

No comments:

Post a Comment