Ang Puso ng Diyos ay hindi napapagod at hindi nagsasawang magmahal sa atin. Mula pa nang likhain ang sanlibutan hanggang sa kasalukuyang panahong ito, ang Puso ng Diyos ay patuloy na tumitibok para sa'yo at para sa akin.
Hindi mahalaga kung ikaw ay nagkasala noon, ang mahalaga ay
ikaw ay nagbabalik-loob ngayon. Hindi mahalaga kung ikaw ay naging marupok noon,
ang mahalaga ay ikaw ay nagpapakatatag ngayon. Ang Puso ng Diyos ay walang ibang hangad kundi
ang pagbabalik ng tao sa Kanya. Ang Puso ng Diyos ay walang ibang tinitibok kundi ikaw.
Ang Diyos na nagmahal noon, ay Siya pa ring Diyos na
nagmamahal ngayon. Ang Diyos na nag-alay ng buhay noon, ay Siya paring Diyos na
naghahandog ngayon. Ang Puso ng Diyos ay nag-uumapaw sa Pag-ibig. Pag-ibig na laan
para sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment