Walang katapusan ang paghahanap natin sa kaligayahan, nguni't paulit-ulit tayong nabibigo, paulit-ulit tayong nasasaktan, paulit-ulit tayong lumuluha, at paulit-ulit din tayong nagtatanong: "Bakit kailangan natin masaktan kung ang hangad lang naman natin ay kaligayahan? Parusa ba ito? o baka naman hindi lang talaga tayo mahal ng Diyos?" Marami sa atin ay ganyan mag-isip. Marami sa atin ay nagdududa sa pagmamahal ng Diyos.
"Diyos nga ba ang hindi nagmahal sa atin? o tayo ang kapos kung magmahal sa Kanya?"
"Diyos nga ba ang nagkulang sa pag-aaruga o tayo ang nagkulang sa pagsunod?"
Madalas ay sinisisi natin ang Diyos sa ating dalamhati, nguni't ang totoo ay tayo ang matigas ang ulo. Patuloy tayo sa paghahanap ng ligaya sa mundong puno ng ligalig at pagdurusa. Sa wika ng Anghel, "bakit ninyo hinahanap ang buhay sa mundo ng mga patay?" Sa kalungkutan at Sakit na dinaranas ng tao, naroroon ang kanyang paghahangad sa tunay na ligaya na Diyos lamang ang makapag-bibigay. Bakit hindi natin ibahin ang sentro? Bakit hindi natin hanapin ang Panginoong Hesus sa ating mga puso? Sapagkat kay Hesus lamang tayo mapapanatag, maghihilom, at papayapa.
No comments:
Post a Comment