HOME

Saturday, May 13, 2023

Pasasalamat at panalangin para sa lahat ng mga Nanay na pumanaw na. 🥺

 

Hindi ko malilimutan ang mga panahong inaruga mo ako, mga panahong nagsakrispisyo ka para sa akin, at mga panahong binigyang liwanag mo ang madilim na yugto ng aking buhay. Hindi mo ako iniwan at hindi mo ako pinabayaan. Nay, sa iyong paglisan sa mundong ito, baon-baon ko pa rin ang mga payo at pangaral mo na ako'y maging mabuting tao at mabuting tagasunod ng Panginoon. Nangungulila man ako ngayon, alam ko, darating ang panahon, na magkikita rin tayo sa langit kapiling ang Diyos at mga banal.  Happy Mother's Day po, Nanay! 


PANALANGIN

Panginoong Diyos, buong kababaang loob na inihahabilin namin ang mga mahal naming pumanaw na tinawag mo mula sa mortal na buhay na ito. Minahal mo siya lagi Nang may dakilang pag-ibig.
Ngayon na pinalaya mo na siya sa lahat ng kasamaan sa mundong ito, dalhin mo siya sa iyong paraiso kung saan wala nang pighati o pagdadalamhati o kalungkutan, kundi kapayapaan at kaligayahan kapiling ng Iyong Anak at ng Espiritu Santo magpakailanman. Amen. 


No comments:

Post a Comment