HOME

Monday, May 29, 2023

Panalangin para sa isang MILAGRO

 


Panginoong Hesus, Ikaw po ang Makapangyarihang Diyos at Manunubos. Ako po ay lumalapit sa Iyo ngayon upang hilingin ang Iyong grasya at pagpapala. Ako po ngayon, Panginoon, ay nasa sitwasyong mahirap at tila wala ng pag-asa. Nahihirapan po ngayon ang aking isip, katawan at damdamin. Tulungan Mo po sana ako, Panginoon, na maka-ahon sa sitwasyon na ito. Wala na po akong matatakbuhan. Wala na po akong maaasahan kundi ikaw na lamang po.  

Lubos po akong nagpapakumbaba sa Iyo, minamahal kong Panginoon. Pakinggan Mo po sana ang aking mga hinaing at dalangin. Maaawa Ka po sa akin at isaayos Mo pong muli ang lahat.  

Nananalig po ako ng buong puso at kaluluwa na walang imposible sa Iyo. Walang problema ang hindi Mo kayang solusyunan. Walang anak Mo ang lumalapit sa Iyo ang kaya Mong iwanan at pabayaan, sapagka't Ikaw ay tapat at mapagmahal.  Amen. 

No comments:

Post a Comment