HOME

Thursday, October 28, 2021

Salamat sa masasayang ala-ala!


Sa mga giliw naming pumanaw, salamat sa masasayang ala-ala. Salamat sa mga hindi malilimutang pinagsamahan. Salamat sa mga aral. Salamat sa matamis na pagmamahal. Sa panalangin, kayo ay aming patuloy na aalalahanin: 

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen. 

Panginoong Hesus, Ikaw po ang buhay at ang muling pagkabuhay. Sa paglisan sa daigdig na ito ng aming mga minamahal, sila nawa ay kaawaan Mo at patuluyin sa langit. Patawarin Mo po sila sa kanilang mga pagkakasala, mga pagkukulang, at mga pagmamalabis. Linisin nawa ng Inyong Banal na Katawan at Dugo ang kanilang mga kaluluwa. Sila nawa ay silayan ng Iyong walang hanggang ilaw at pagkalooban sila ng kapayapaan sa piling Mo. Amen. 

Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya mo kami sa lahat ng masama, Amen. 


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kaming makasalanan, Ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.


Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.

No comments:

Post a Comment