Katamis-tamisang Jesus Nazareno Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo. Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan. Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan. Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian. Sya Nawa.
Prayer Source: Anonymous
Nice Article!
ReplyDeleteSalamat jesusðŸ˜
ReplyDeleteOh Panginoong Dios tulungan mo po ang aking pamangkin na si Sophia Angelica na masala na ang depression. Isang hipo mo lamang panginoon ko ang gagaling na po ang aking pamangkin kaawaan mo po siya Oh Dios ko. Tulunga nyo din po ang aking mga kamag anak at kapitbahay bahay na makaiwas sa ano mang karamdaman at hirap lalo na sa panahon ng pandemiya. Ikaw lamang po Panginoong Dios ang makakagawa mg kaginhawaan naming lahat
ReplyDelete