Wednesday, December 30, 2020
Te Deum Laudamus (God, we praise You) !
Saturday, November 28, 2020
PRAYER FOR THE FIRST SUNDAY OF ADVENT
Lord Jesus Christ, You are the hope of the nation. You are the light in the midst of darkness. You are the sure help of the needy, the sick and the dying. You are the powerful protector of those who trust in You. Lord Jesus, as we joyfully prepare for Your coming, please increase our hope in You.
Forgive us our sins and help us to become more like You each day. Remove in our hearts all kinds of hatred, malice and pain. Heal our brokenness, Lord, and guide us towards our way to Eternal Life in heaven. Amen.
Saturday, September 19, 2020
Nagbigay ang Diyos, pero bakit hindi ka pa rin masaya?
Nagbigay ang Diyos, pero bakit hindi ka pa rin masaya? Bakit hindi pa rin ganap ang iyong kasiyahan? Hindi pa ba sapat ang iyong natanggap? Bakit naghahanap ka pa rin? Bakit nakatingin ka pa rin sa mga biyaya ng iba?
Hindi naman masama ang maghangad at humiling ng mas marami para sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Hindi masama ang umunlad sa buhay. Ang masama ay yung maghangad ka ng sobra-sobra. Ang masama ay yung nabigyan kana, nagrereklamo ka pa. Ang masama ay yung naiinggit ka pa sa iba. Ang ganitong pag-uugali ay hindi magdudulot ng kaligayahan sa puso ng tao. Ang kawalan ng utang na loob sa kabutihan ng Diyos ay magbubunga ng mas marami pang pagkakasala katulad ng pagmamataas, kasakiman, at iba pa. Kailangan natin matutunan na wala sa mga biyaya ang seguridad ng tao. Ang seguridad ng tao ay ang Tagapagbigay ng biyaya, si HESUS. Siya lamang at wala ng iba pa.
Ang taong hindi marunong makuntento at magpasalamat sa mga biyayang natatanggap ay walang kapayapaan at katahimikan sa kanyang puso. Sa kabilang banda, ang isang tao na kuntento at marunong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap, maliit man o malaki, ay lubos ang kasiyahan sa puso.
Monday, September 7, 2020
Ang pagpaparangal kay Maria ay hindi idolatriya.
Ang natatanging pagtingin at pagkilala ng mga Katoliko sa Mahal na Birheng Maria ay hindi maituturing na idolatriya sapagka't, una, malinaw sa mga Katoliko na hindi Diyos si Maria. Ang pagpaparangal na ibinibigay sa kanya ay naka-ugat sa katotohanan na "siya ay punong-puno ng grasya (Lucas 1:28)," "bukod siyang pinagpala sa lahat ng mga babae (Lucas 1:42)," at "ang Panginoong Diyos ay sumasakanya (Lucas 1:28)."
Ang mga katotohanang ito ay malinaw na inihayag ng Diyos sa tao. Kung kaya nga noon pa man ay makikita na natin ang pagpaparangal at pagtangkilik na ito kay Maria bilang isang natatanging hinirang ng Diyos. Sa mga salita ni Elizabeth noong dalawin siya ni Maria ay mababasa natin ito:
"Sino ako upang dalawin ng Ina ng aking Panginoon?" (Lucas 1:43) o sa salitang Ingles, "But why am I so favored, that the mother of my Lord should come to me?"
Sa madaling sabi, ang makasama pala si Maria ay isang napaka-laking karangalan. Pagpapakita ito kung paano pinagpipitagan si Maria simula pa noon. Maaaring sabihin ng ilan, "opinyon lang yan ni Elizabeth." Hindi po. Kung babalikan po natin ang naunang talata (Lucas 1:41), mababasa natin na si Elizabeth ay napuspos ng Espiritu Santo. Nangangahulugan ito na ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay mga rebelasyong mula mismo sa Diyos. Ito po ay tugma noong ihayag ng Banal na Kasulatan na si Maria ay tatawaging mapalad o "blessed" sa lahat ng salin-lahi (Lucas 1:48). Hindi na ito kataka-taka sapagkat sinsabi mismo ng Panginoong Hesus na kung sinuman ang naglilingkod sa Kanya ay pararangalan ng Ama (Juan 12:26) at kabilang na nga dito si Maria na naging tapat na alipin ng Diyos, Ina ng Tagapagligtas. Kung ang Diyos mismo ay kayang magbigay parangal sa Kanyang mga tapat na nilikha, sino tayo para hindi tumulad sa Diyos? Ang pagpaparangal kay Maria ay pagpaparangal sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng karangalan.
Friday, July 31, 2020
Thank You, Lord, for the lessons and blessings of July!
Saturday, July 25, 2020
Pamamaalam sa mga kapatid nating pumanaw
Wednesday, July 22, 2020
PANALANGIN PARA SA ISANG MILAGRO
Sunday, July 19, 2020
Sa Diyos lamang tayo mapapanatag, maghihilom, at papayapa.
Sunday, July 12, 2020
Mga aral mula sa Niño HESUS ng Pandacan
Friday, July 10, 2020
"Wait a little, and the wicked will be no more; look for them and they will not be there." (Ps. 37:10)
Sunday, July 5, 2020
"But I will restore you to health and heal your wounds.” -Jeremiah 30:17
Saturday, June 20, 2020
Hanggang sa muli nating pagkikita! Isang pagpupugay para sa mga Ama na yumao na.
Friday, June 19, 2020
PAG-IBIG SA PUSO NI NANAY
Monday, June 15, 2020
Ang INGGIT ay mapaminsala!
- Manalangin. Sa tuwing tayo ay makakaramdam ng inggit, tumakbo po tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin. Hilingin natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng grasya na mamuhay ng kontento. Sa panalangin ay napapalapit tayo sa Panginoon. Ang taong malapit sa Panginoon ay may lakas upang mapaglabanan ang masama, kabilang na ang inggit.
- Tumingin sa mga sariling biyaya at huwag magkumpara sa iba. Ang Diyos ay nagbibigay ng biyaya sa lahat. Hindi natin kailangan tumingin sa pag-unlad ng iba at ikumpara ang ating buhay. Tignan natin ang ating personal na buhay at kung paano, mula noon hanggang ngayon, ay naging mabuti ang Diyos sa kabila ng lahat. Magsumikap, patuloy na manalangin at magpakabuti. Ito ang mga bagay na dapat natin pinagtutuunan ng pansin at oras.
- Magpasalamat lagi sa mga biyayang natanggap. Ang isang taong marunong magpasalamat sa Diyos ay mga taong kuntento sa buhay. Ang mga taong kuntento sa buhay ay mga taong may kapayapaan ang puso at hindi naiinggit sa kanyang kapwa.
Saturday, June 6, 2020
May panahon para tumahimik at may panahon kung kailan kailangan nating magsalita.
Friday, June 5, 2020
"He cares for you!" -1 Peter 5:7
Thursday, June 4, 2020
Ang tinitibok ng Puso Niya ay ikaw! #SacredHeart
Tuesday, June 2, 2020
Sa aking pagkakadapa ay ibinangon Mo akong muli! Salamat, Panginoon!
Monday, June 1, 2020
Lord Jesus, please grant us Your healing and peace this month of June!
Saturday, May 30, 2020
"...kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang KALAYAAN." -2 Corinto 3:17
The Catholic Church: Nourishing us in the faith since 33 A.D. #Pentecost
Friday, May 29, 2020
Lord Jesus, please help me overcome my worries and fears.
Monday, May 25, 2020
Saturday, May 23, 2020
"Kailangan natin ng tapang upang tanggihan ang mali at masasamang istorya." -Papa Francisco
Sa kanyang mensahe para sa ika-54 na Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon (World Communications Day), binigyang diin ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan ng pagkukuwento o storytelling. Ayon sa kanya, ang lahat ng tao ay may kuwento at tagapaghatid ng kuwento, kung kaya naman, mahalaga na ang bawat salitang lalabas sa ating mga bibig ay totoo at mabuti. Hinihikayat din tayo ng Santo Papa na maging matapang upang labanan ang mali at masasamang istorya at balita.
Maging masaya sa pag-angat ng iba.
Sunday, May 17, 2020
"The worst prison would be a closed heart." -Saint John Paul II
Saturday, May 9, 2020
Pasasalamat at pagmamahal sa mga nanay na pumanaw na.
Thursday, April 30, 2020
Saturday, April 11, 2020
May Pag-asa sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon!
Saturday, April 4, 2020
Sa gitna ng ECQ, mga pinoy naging malikhain sa pagdiriwang ng Palm Sunday
Tunay nga na walang makakahadlang sa pananampalataya ng mga Pilipino. Sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na dulot ng COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang naging malikhain sa pagdiriwang ng Palm Sunday. Sa pastoral na liham ng ilang mga Obispo dito sa Pilipinas, hinikayat nila ang mga mananampalataya na makilahok sa mga pagdiriwang ngayong mga Mahal na Araw sa pamamagitan ng "TV" at "Online" Mass. Kabilang na nga dito ang pagbabasbas ng mga Palaspas o ng kahit na anong sanga na may dahon na makikita sa ating mga tahanan at bakuran.
HOLY WEEK: People look at the outward appearance, but the LORD looks at the heart." --1 Samuel 16:7
Friday, April 3, 2020
PALM SUNDAY: Let us be martyrs for JESUS!
The jubilant crowd who welcomed Jesus with Palms and Hosanna's upon His entry to Jerusalem are the exact same people, according to the Gospel, who would later demand the Lord's death on the cross.