HOME

Monday, March 23, 2020

Baclaran Church patuloy ang paghahatid ng Chao Fan at Vegetable Salad para sa mga frontliners laban sa COVID-19


Hindi matatawaran ang kontribusyon ng ating mga frontliners upang labanan ang COVID 19 na siya ngayong namiminsala sa ating bayan. Sila ang ating mga bagong bayani na patuloy na sinusuong ang panganib mapanatili lamang na ligtas ang nakararami. Kung kaya naman, ang Baclaran Church, sa pangunguna ng Congregation of the Most Holy Redeemer, ay naglunsad ng isang "community kitchen" na naglalayong makapagbigay ng food packs para sa ating mga frontliners. Ang karaniwang handa sa kanilang food packs ay Chao Fan Rice at Fresh Vegetable Salad. 

Sa mga nagnanais pong makatulong sa gawaing ito, maaari po kayong makipag-ugnayan kay Bro. Ronald Balase, CSsr sa numerong 09219467143 o kaya'y maghulog ng donasyon sa mga account numbers sa ibaba: 


  • BPI - Account Name: Congregation of the Most Holy Redeemer
    Account Number: 0371-0068-42
    Baclaran Branch

  • BDO - Account Name:  Congregation of the Most Holy Redeemer
    Account Number: 00474-800-1313
    Baclaran Branch





No comments:

Post a Comment