HOME

Tuesday, March 24, 2020

Diyosesis ng Kalookan patuloy na namamahagi ng Relief Packages para sa mga mahihirap na apektado ng COVID 19



Patuloy ang pagkalinga ng Simbahan sa mga apektado ng COVID-19, lalo't higit sa mga mahihirap na walang masandalan sa panahong ito ng krisis. 

Sa Diyosesis ng Kalookan ay pinangunahan ng Lubhang Kaggalang-galang Pablo Virgilio David, katuwang ang CARITAS Manila at mga Church Volunteers, ang pamamahagi ng mga gift checks at relief packages para sa mga kapus-palad na nasasakupan ng kanyang Diyosesis. Kabilang dito ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas kung saan maraming mga pamilya ang namumuhay sa labis na kahirapan.  

Sa mga nagnanais tumulong, maaari po kayong makipag-ugnayan sa opisina ng Diyosesis sa mga sumusunod na contact: 

Phone Number: (02) 287-3693
Address: A. Mabini St. corner 10th Ave., Caloocan City




No comments:

Post a Comment