HOME

Saturday, March 14, 2020

Panalangin ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng pandemya


Panginoong Hesus, Ikaw po ang aming sandigan sa bawat oras ng aming buhay. Sa pagkalat ng COVID-19 sa aming bayan, turuan Mo po ang bawat isa sa amin na magtiwala sa Iyong pagmamahal at pagkalinga. Alisin Mo po, Panginoon, ang takot sa aming mga puso. Ipadama Mo po sana amin ang Iyong Banal na Presensiya at ipaalala sa amin na napagtagumpayan Mo na ang sanlibutan. Iligtas Mo po kami laban sa virus na ito, Panginoon, at iligtas Mo rin po kami sa pang-aalipin ng takot. Amen. 

No comments:

Post a Comment