HOME

Tuesday, March 10, 2020

"Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot." -1 Juan 4:18


Ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig at pananampalataya. 

Bakit ka nga naman matatakot kung alam mong may Diyos na nagmamahal sa'yo? Bakit ka naman matatakot kung ang Diyos mismo ay napagtagumpayan na ang sanlibutang ito? Bakit ka naman matatakot kung ang Diyos mismo ay paulit-ulit na nagwika na "huwag kang matakot?" Bakit ka naman matatakot kung ang Diyos mismo ay nagwagi na laban sa kamatayan? 


Hindi kaya ang takot mo ay nag-uugat sa kawalan mo ng pananalig? Hindi kaya ang takot mo ay nag-uugat sa mababaw na ugnayan mo sa Diyos? Hindi kaya ang takot mo ay nag-uugat sa katotohanan na hindi mo pa lubusang kilala ang Diyos? Hindi kaya ang takot mo ay nag-uugat dahil sa mababaw mong pag-ibig sa Diyos? 

Sa panahon ngayon na sinusubok ang ating pananalig, mahalaga na balikan natin at pagnilayan ang estado ng relasyon natin sa Diyos. Saliksikin natin ang Diyos sa ating mga puso, sapagkat Siya'y naroon lamang at matagal ng naghihintay sa ating pagbabalik. 


1 comment:

  1. If you're trying to lose weight then you absolutely have to jump on this brand new custom keto meal plan diet.

    To design this service, certified nutritionists, personal trainers, and chefs have united to develop keto meal plans that are effective, painless, cost-efficient, and delicious.

    From their first launch in 2019, 1000's of people have already transformed their body and well-being with the benefits a proper keto meal plan diet can give.

    Speaking of benefits: in this link, you'll discover eight scientifically-certified ones given by the keto meal plan diet.

    ReplyDelete