HOME

Monday, March 23, 2020

LOOK: "Kindness Station" inilunsad ng Mary Help of Christians Parish sa Mayapa, Calamba, Laguna

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, marami sa mga kapatid nating kapus-palad ang apektado. Bilang tugon sa alalahaning ito ay naglunsad ang Mary Help of Christians Parish sa Calamba, Laguna ng isang proyekto na tinawag nilang "Kindess Station." Ito ay sa pangunguna ng kanilang Parish Priest na si Rev. Fr. Toto Cerada ng Salesians of Don Bosco. Ang proyekto ay naglalayong bigyan ng ayuda ang mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief package na naglalaman ng pagkaing makakatulong bilang pantawid-gutom. 

Sa mga nagnanais pong tumulong, maaari niyo pong iwanan ang inyong donasyon sa kanilang Parish Office o di kaya'y makipag-ugnayan sa kanilang official facebook page. 







No comments:

Post a Comment