HOME

Wednesday, March 4, 2020

Maikli lamang ang buhay para gugulin sa galit at inis. MAGPATAWAD. MAGMAHAL.


Maikli lamang ang buhay.  Mabilis umiinog ang panahon. Huwag na nating gugulin ang ating oras sa galit o inis. Humingi tayo ng tulong sa Diyos upang tayo’y makapagpatawad at magmahal. Ang hindi nagpapatawad ay hindi pa malaya. Ang hindi marunong magmahal ay hindi pa lubusang nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig. 

Noong ang Panginoon ay nakabayubay sa Krus, pinatawad Niya ang tao. Noong ang Panginoon ay namatay sa Krus, pinatunayan Niya ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa tao. Ikaw naman, O Tao, kailangan ka magpapatawad? Kailangan ka magmamahal? 

1 comment:

  1. Kung anong tinanim, siya rin ang aanihin. Magtanim ng galit sa puso, kapahamakan ang magiging dulot. Ngunit kung pagmamahal ang paiiralin sa puso, walang humpay na kapayapaan ang matatamo. Sapagkat ang Diyos ay maninirahan sa isang pusong wagas ang pagmamahal sa kanyang kapwa. DIYOS ay PAG-IBIG.

    ReplyDelete