HOME

Thursday, March 19, 2020

Ang taong hindi marunong makinig sa Diyos ay taong walang katahimikan at kapayapaan.


Sa panahon na sinusubok ang ating pananalig, mainam na tayo'y manahimik at manalangin. Pakinggan natin ang Diyos na matagal ng bumubulong sa atin. Bigyan natin ng pagkakataon ang Diyos na marinig natin Siya. Bigyan natin ng panahon ang sinasabi ng Diyos. Bigyan natin ng halaga ang Kanyang mga Salitang nagbibigay-buhay. 

Ang taong hindi marunong makinig sa Diyos ay taong walang katahimikan at kapayapaan. Ang taong puro sarili lamang ang pinakikinggan ay taong walang kapahingahan. Sa kabilang banda, mapalad ang mga taong nakikinig at sumusunod sa banal na kalooban ng Diyos, sapagkat hindi sila mapapariwara at mapupunta sa masama. Hindi rin sila magdadahop, sapagkat Diyos ang magpupuno sa lahat ng kanilang pangagailangan.  Makinig! At kapag nakinig, sumunod. Ito ang nais ng Panginoon! 

No comments:

Post a Comment